Huling araw ng taonKahapon, ika-27 ng Marso, ang huling araw ng ikatlong taon ko sa kolehiyo. Sa araw na iyon ako nagpalista para sa panghuling pabigkas na pagsusulit sa pilosopiya. Tinagurian ito ng guro namin bilang synthesis defense. Pinasulat niya kami ng syntesis ng buong taon, kung ano para sa amin ang pamimilosopiya, pagpapakatao, at ang kaugnayan ng dalawa. At dinepensahan nga namin ang syntesis namin. Palagay ko, naging maayos naman ang pagsusulit ko. Basta masaya ako at natapos na ang taon.
Pag-uulitHabang kinakalikot ko itong comic strip widget ng napakagandang Linux system ko, nag-load ito ng
comic mula sa osnews.com/comics. Hindi ko na kokopyahin iyong graphic kasi baka hulihin ako ng osnews.com. Pakipindot na lang iyong link. hehe
Ang comic ay may alusyon ng yungib na ginamit ni Platon para ipaliwanag ang (mismong) Mabuti. Nakatutuwa kasi tinalakay namin iyon sa klase at ngayon nakita kong ginamit sa ibang paraan: laitin ang Macintosh fanboys. hehe. Sa madaling sabi, naka-relate ako.

PS: To those of you who don't speak academics in Filipino,
panghuling pabigkas na pagsusulit = final oral exam
pamimilosopiya = philosophizing
Platon = Plato, Greek philosopher
mismong Mabuti = the Highest Good, Summum Bonum (If I am not mistaken).
yungib = cave,
allegory of the cave