Reinzy's posts with tag: ako

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag ako
Huling araw ng taon
Kahapon, ika-27 ng Marso, ang huling araw ng ikatlong taon ko sa kolehiyo. Sa araw na iyon ako nagpalista para sa panghuling pabigkas na pagsusulit sa pilosopiya. Tinagurian ito ng guro namin bilang synthesis defense. Pinasulat niya kami ng syntesis ng buong taon, kung ano para sa amin ang pamimilosopiya, pagpapakatao, at ang kaugnayan ng dalawa. At dinepensahan nga namin ang syntesis namin. Palagay ko, naging maayos naman ang pagsusulit ko. Basta masaya ako at natapos na ang taon.

Pag-uulit
Habang kinakalikot ko itong comic strip widget ng napakagandang Linux system ko, nag-load ito ng comic mula sa osnews.com/comics. Hindi ko na kokopyahin iyong graphic kasi baka hulihin ako ng osnews.com. Pakipindot na lang iyong link. hehe

Ang comic ay may alusyon ng yungib na ginamit ni Platon para ipaliwanag ang (mismong) Mabuti. Nakatutuwa kasi tinalakay namin iyon sa klase at ngayon nakita kong ginamit sa ibang paraan: laitin ang Macintosh fanboys. hehe. Sa madaling sabi, naka-relate ako.

PS: To those of you who don't speak academics in Filipino,
panghuling pabigkas na pagsusulit = final oral exam
pamimilosopiya = philosophizing
Platon = Plato, Greek philosopher
mismong Mabuti = the Highest Good, Summum Bonum (If I am not mistaken).
yungib = cave, allegory of the cave

Photo AlbumAko (2 photos)Oct 26, '07 1:47 PM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
Wala pa kasi akong pics dito e. Para lang makita niyo pagmumukha ko.

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help